^

Metro

Biyaheng Naga-Ligao ng PNR, balik na sa Hulyo 31

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang buksang muli ng Philippine National Railways (PNR) ang biyahe ng kanilang mga tren sa rutang Naga-Ligao, simula sa Lunes, Hulyo 31.

Sa abiso ng PNR, nabatid na magkakaroon muna ng dalawang biyahe ng tren kada araw sa nabanggit na ruta, na babagtas sa higit 67 kilometrong haba ng riles.

Aalis ang unang biyahe ng PNR mula sa Ligao patu­ngong Naga sa ganap na alas-5:30 ng umaga at susundan ng ikalawang biyahe ng tren sa ganap na alas-5:30 ng hapon mula sa Naga patungong Ligao.

Tiniyak naman ng PNR na sa sandaling dumami ang mga pasahero na tatangkilik sa rutang Naga-Ligao, ay magdaragdag sila ng biyahe roon.

Sa pagtaya ng PNR, aabutin ng dalawang oras at 11 minuto ang biyahe mula Ligao patungong Naga at pabalik, gamit ang isang Diesel Hydraulic Locomotive (DHL) na mayroong limang passenger coaches na kayang magsakay ng higit 1,300 libong mga pasahero.

Nasa siyam na istasyon rin ang magiging operational para pagserbisyuhan ang mga pasahero mula sa iba’t ibang lugar sa Albay at Camarines Sur.

Magsisimula anila ang pamasahe sa P15 para sa unang istasyon, at aabot sa P105 hanggang sa huling istasyon ng tren.

Bagama’t boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon, ipinagbabawal pa rin ang pagkain at pag-inom sa loob ng mga tren, para sa mas ligtas at komportableng biyaheng PNR.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with