Walang puno na puputulin sa Arroceros – Yorme

MANILA, Philippines — Nagkasundo na sina Manila City Mayor Isko Moreno at iba’t ibang ‘environmentalist groups’ na magtutulungan sa pag-debelop sa Arroceros Forest Park makaraang mangako ang alkalde na walang puno na puputulin.
Sa pulong sa Manila City Hall nitong Lunes sa mga environmental groups sa pangunguna ng Winner Foundation, tiniyak ni Moreno na wala kahit isang puno na puputulin at patuloy na poprotektahan ang parke na itinuturing na ‘last lung’ ng Maynila.
“Yung development ng Arroceros Park because we wanted to develop that, making it bigger, more open green spaces, and maayos ‘yung seclusion para the next generation ng Batang Maynila, meron silang protected park or the ‘last lung’ of the city,” ayon kay Moreno.
Unang nagpahayag ng pangamba ang Winner Foundation sa posibleng pagkasira ng parke nang malaman na nilatagan ng daanang semento ang lupa na maaaring umpisa umano ng pagkamatay ng nasa 3,000 puno dito.
Iprinisinta ng alkalde at ni City Architect Dennis Lacuna ang plano sa pagdebelop sa parke ng walang nasisira sa kalikasan nito.
Ang 2.2 ektaryang parke ay may 3,000 puno ng 61 uri, may 8,000 ornamental na halaman at 10 species ng ibon.
- Latest


















