^

Metro

2 pang vaccination site, binuksan sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa pang vaccination site ang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Taguig upang patuloy na mapalakas ang programang pagbabakuna.

Ito ay matatagpuan sa  Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School sa Barangay Central Signal.

Ang karagdagang community vaccination centers na ito ay makakatulong sa dalawa pang kasalukuyang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area sa Barangay Lower Bicutan, at Vista Mall Parking Building sa Barangay Calzada, at sa kaunaunahang community vaccination center sa RP Cruz Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagsimulang magbakuna ang lungsod noong March 31 sa mga nakalista sa COVID-19 Vaccine Priority List categories A2 (senior citizens) at A3 (non-senior adults with comorbidities).

Nagsimula na ring magbigay ang Taguig ng pangalawang dose ng bakuna sa mga A1 category (medical frontliners).

Inaasahan na rin ng pamahalaang lungsod na dumating na 3rd quarter ng taon ang inorder nitong COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna ay darating sa third quarter ng taon.

“Ang bakuna ay isa sa mga paraan upang masugpo ang virus at sa gayon ay tuluy-tuloy na ang lakbay natin patungong new normal. Sa kabila ng mga pagtaas ng kaso ng COVID at tayo ay sumasailalim sa ECQ guideline, ang Taguig ay patuloy na itinutulak ang mga programa upang palakasin ang ating science-based at expert-approved initiatives,” paliwanag pa ni Mayor Lino Cayetano.

Ang lahat ng residente ng Taguig ay hinihikayat na mag­rehistro sa TRACE Taguig para sa vaccination schedule.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with