^

Metro

Mister pinasok, tinodas sa harap ng ka-live in

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 34-anyos na mister matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng mga ‘di kilalang lalaki na puwersahang pumasok sa kanilang kubo sa loob ng isang sementeryo sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon Police chief Col. Angela Rejano, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Valentino Espinoza ng P. Concepcion St. Brgy. Tugatog.

Sa imbestigasyon nina P/Master Sgt. Julius Mabasa at P/Staff Sgt. Ernie Baroy, alas-2:10 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang natutulog na biktima at kinakasamang si Maricel Dela Paz sa loob ng kanilang kubo sa Tugatog Cemetery sa P. Concepcion St.

Nang makita ang biktima, walang sabi-sabing pinagbabaril agad ng mga suspek sa ulo at katawan saka mabilis na nagsitakas patungong Dr. Lascano St.

Tinugis ng mga pulis ang mga suspek pero hindi na nila inabutan.

Nakarekober ng mga tauhan ng SOCO ang walong basyo ng bala mula sa hindi matukoy na uri ng baril sa crime scene.

vuukle comment

SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with