^

Metro

9 ‘bookies’ collector timbog sa Quezon City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang siyam na kolektor ng ilegal na sugal sa Quezon City nitong lunes ng gabi.

Timbog sa magkakasunod na operas­yon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga miyembro ng sindikato na nasa likod ng operasyon ng ‘bookies’ sa lungsod.

Ang mga suspek ay arestado sa tatlong magkakaibang lugar kung saan ginagawa ang draw ng ilegal na sugal.

Kinilala ang lima sa kanila na sila Guelboy Flores, Melody De Guzman, Elmer Florendo, Edward Nepomuceno at Jimbo Javier, na pawang mga naaresto sa Brgy. Kamuning.

Ang mga naarestong kolektor at kinulong sa CIDG field office ng Que­zon City police district headquarters sa Camp Karingal at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9287 (Anti-Illegal Numbers Game Law).

Ang anti-illegal gambling operation ay ikinasa sa kautusan ni CIDG chief Brig. Gen. Joel Coronel sa hiling ni PCSO General Manager Royina Garma.

Ayon sa PCSO, ang sindikato ng bookies ay pinatatakbo ng limang operator na may alyas na Tepang, Egay, B  Brutus, Pening at Dong.

Ayon sa impormas­yon mula sa PCSO, ang lima ay nagpapatakbo ng bookies sa Quezon City gamit bilang front ang isang prankisa ng small-town lottery sa katabing lungsod na Marikina.

“Nung nawala o humina ang jueteng sa QC, lumipat sila sa pagbu-bookies gamit ang numero ng STL sa Marikina,” sabi ng source sa PSN.

Base sa report na nakaabot sa PCSO, kumikita ang sindikato ng humigit kumulang P9 milyon kada buwan mula sa iligal na sugal.

Isang “Jessy “ umano ang ‘patong’ o kolektor ng naturang sindikato, ayon sa impormante.

Ang bookies ay ilegal na operasyon ng STL na may betting stations sa mga tagong lugar upang maiwasan ang pagkahuli ng otoridad.

Matatandaang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang STL operations ng PCSO nitong Hulyo ng nakaraang taon matapos mapag-alaman ang mababang koleksyon ng ahensya dahil sa ilegal na sugal at ‘di tamang remittance ng mga STL operators.

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with