^

Metro

17 anyos tinangkang manggahasa ng nene

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Nasarapan sa pinanood na porno

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station ang isang 17-anyos na lalaki makaraang tangkaing gahasain umano niya ang isang Grade 6 na batang babae sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktimang itinago sa alyas na “Cherry”,sa may Brgy. Maysan, ng naturang lungsod.

Nabatid na nasa labas ng bahay ang suspek na itinago sa alyas na “Mike” nang tawagin ang biktima at papanoorin ng isang sex movie sa kanyang cellular phone.  Matapos nito, kinumbinsi ng suspek ang batang babae na makipagtalik sa kanya na tinanggihan naman ng huli.

 Nagalit umano ang suspek at binato ang biktima ng tsinelas.  Nang magtungo siya sa banyo at bumalik sa sala ay nakita na niya ang suspek na nasa loob ng kanilang bahay.  Dito umano siya sapilitang binuhat at pinuwersang hubaran ngunit naging matindi ang pagpalag ng biktima kaya nakahulagpos siya at makatakbo palabas ng bahay.

Agad na humingi ng saklolo ang biktima sa mga kapitbahay at sa kanilang barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

vuukle comment

SEXUAL HARRASSMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with