^

Metro

Senior citizen dinakip sa tinangay na P90-M

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nitong Biyernes ng hapon ang isang 69-anyos na lalaki na inakusahan na tumangay umano ng higit P90 milyon buhat sa dating pinagtatrabahuhang kumpanya sa Mandaluyong City.

Kinilala ni NCRPO Director PMGen. Guillermo Eleazar ang nadakip na si Billy Lim, may-asawa at nakatira sa No. 323 Ortigas Avenue, Mandaluyong City. Sa ulat, alas-5:15 ng hapon nang inaresto ng mga tauhan ng RSOU ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft na inilabas ni Judge Nicanor Manalo Jr., ng Pasig City Regional Trial Court Branch 161. Ang operasyon ay base sa reklamo na isinampa ng pamunuan ng Fermentation Industries Corporation (FINCO) na kinakatawan ni Rodney Vincent Yu na personal na nagtungo sa tanggapan ng RSOU.

Sa rekord ng korte, umaaktong treasurer ng FINCO si Lim noong 2007 nang magawa umano nitong mailipat ang pondo ng kum­panya sa kanyang iba’t-ibang personal bank accounts na aabot ng P90,386,638.77.

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with