^

Metro

Bebot inalok ng tulong, niluray

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak  sa kulungan ang isang 50-anyos na lalaki makaraang gahasain sa loob ng bahay ang isang babae na ina­lok niya ng matutuluyan sa Valenzuela City ka­makalawa ng hapon.

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na nakilalang si Ro­berto Abalos, alyas Obet, binata, machine operator at nakatira sa Villanueva Compound, Tatalon St., Ugong, Valenzuela City.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang panggagahasa dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa loob ng bahay ng suspek.

 Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Joy, nasa hustong gulang, nakikipag-inuman siya sa mga kaibigang babae sa Brgy. Ugong nang dumating ang suspek at nakisali sa kanila.  Dito nabanggit ng biktima na naghahanap siya ng mauupahang apartment o kuwarto.

Dito nag-alok ng tulong ang suspek at sinabing maaari siyang tumuloy sa kanyang bahay. Dinala ni Abalos ang babae sa kanyang bahay ngunit pagdating ay ikinandado ang pinto.

Dumampot ng kutsilyo na itinutok niya sa biktima. Pinaghubad ng suspek ang biktima at matagumpay na hinalay.

Nang makasaglit ang suspek, sinamantala ito ng babae para makatakas at dumiretso sa kanilang barangay saka nagsumbong. Dinakip ng mga tauhan ng barangay at Police Community Precinct 8 ang suspek dakong alas-5:40 ng hapon at isinailalim sa imbestigasyon.

vuukle comment

ARRESTED FOR RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with