^

Metro

2 dedo sa Baseco hostage drama

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay kabilang ang bisita lang na suspek sa naganap na hostage taking sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Rolando Salazar Vendello Jr., alyas “Onyok”, bayaw ng hinostage na ginang na kasama ang apat na menor-de-edad na anak na si Resaly Castillo, 30-35 anyos, dahil sa tinamong saksak sa dibdib mula sa suspek na si Roy. S. Castillo, ng Mabini, Batangas.

Agad din namang napatay ng mga rumespondeng pulis ang suspek matapos pagbabarilin nang magtangka itong tumakas at saksakin din ang mga otoridad.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi nitong Sabado sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nabatid na bisita lamang umano ang suspek ng kapatid ni Resaly na unang nag-iinuman sa eskinita sa labas ng kanilang bahay kasama pa ang ibang kaibigan.

Sa gitna ng kuwentuhan ay nagkaalaman na sila pala ay magkakamag-anak dahil sa pareho umano sila ng apelyido.

Sa hindi pa maipaliwanag na dahilan, pumasok umano sa bahay ng mga biktima ang suspek na lasing habang hawak ang patalim at pinigilang makalabas ng bahay ang mag-iina na nauwi sa ma­tensiyong sandali.

Sa pagdating ng mga otoridad upang arestuhin ang suspek ay dito naman sumulpot si Onyok upang payapain umano ang suspek ngunit bigla na lang itong sinaksak sa dibdib na nagresulta sa agarang pagkamatay.

Tinangkang tumakas ng suspek kaya dinakma na siya ng iba pang rumes­ponde na kanya ring tinangkang saksakin dahilan upang siya ay paputukan ng mga pulis na nagresulta sa kanyang agarang kamata­yan.

vuukle comment

BASECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with