^

Metro

1-Ang Edukasyon Partylist, nanguna

Pilipino Star Ngayon
1-Ang  Edukasyon  Partylist, nanguna
Ikinagalak naman ni 1-Ang Edukasyon Party-list Cong. Salvador “Bong” Belaro na nahirang din bilang most outstanding alumnus for public service and governance ng University of the Philippines Alumni Association (UPAA) ang resulta ng survey na aniya’y sa kanyang 728 na panukala sa Kongreso, halos kalahati rito ang para sa edukasyon.
www.facebook.com/edukasyonparty

MANILA, Philippines — Nanguna sa isinaga-wang survey ang 1-Ang Edu­kasyon Partylist na nilahukan ng halos 500 political science students kamakailan sa University of Caloocan.

Ayon kay University pro­fessor Rey Jetajobe na siyang nangasiwa ng survey, pangunahing pinili ng mga nakiisa ang 1-Ang Edukas­yon bunsod ng pagtutok nito sa usapin ng edukas­yon at kung papaano ito maiaangat.

Pumangalawa sa survey ang Gabriela na sinundan ng Ladlad, Magsasaka, Wow, Kabayan, Akbayan, 1-Pacman, Senior Citizens, Cibac, Anak-Pawis, OFW, Kabataan, Wifi, Magdalo, Bayan Muna, PM, Ako Bicol, Agila, Manila Teachers, Utak, Butil, Kalinga, Anakbayan, Taomuna, at Bahay.

Ikinagalak naman ni 1-Ang Edukasyon Party-list Cong. Salvador “Bong” Belaro na nahirang din bilang most outstanding alumnus for public service and governance ng University of the Philippines Alumni Association (UPAA) ang resulta ng survey na aniya’y sa kanyang 728 na panukala sa Kongreso, halos kalahati rito ang para sa edukasyon.

Ginawa ang survey upang pulsuhan ang mga estudyante sa lagay ng mga partylists na lalahok sa darating na May 2019 elections.

1-ANG EDU­KASYON PARTYLIST

SALVADOR “BONG” BELARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with