146 arestado sa SACLEO
MANILA, Philippines — Arestado ang nasa 146 na katao kabilang ang top ten most wanted person sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng 12 Police Community Precinct (PCP) ng Pasay City Police.
Kahapon ay iprinisinta ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police sa mga mamamahayag ang mga suspect kabilang si Anthony Dela Cruz, alyas Timmie, 34, itinuturing na top ten most wanted person na may kasong murder.
Ala-1:00 ng madaling araw nang masakote si Dela Cruz sa kanilang bahay sa F. Victor St., Pasilio 5, Brgy. 61, Zone 8 ng nasabing lungsod.
Si Dela Cruz aniya ang bumaril at pumatay sa kapitbahay nitong si Edwin Almeradla noong Marso ng taong kasalukuyan sa Victor St., Brgy. 61, Zone 8 ng nasabing lungsod.
Bukod dito, arestado rin ang 79 illegal drug personality, 44 City Ordinance violators, 12 illegal gamblers, 7 ang huli sa illegal possession of firearms, 4 sa illegal possession of bladed weapon, 4 na iba pang wanted person.
Habang limang menor de edad na lumabag sa curfew hours.
Narekober rin ng mga pulis ang sampung plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, apat na plastic sachet ng pinatuyong marijuana, isang kalibre .22 baril, kalibre .38 baril, 9mm pistol at 19 pirasong ibat- ibang uri ng bala ng baril.
- Latest