P28.9-M misdeclared goods nasabat ng BOC

MANILA, Philippines — Umaabot sa P28.9 milyong halaga ng misdeclared goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang malalaking pantalan sa Maynila, kahapon.
Ang tatlong kargamento na dumating sa Manila International Container Port mula sa Korea at China ay naka-consigned sa I-Genex Cargo Forwarder, 188 Fortune Merchandising, at Hepomlan Trading.
Ayon kay Comissioner Isidro Lapeña, idineklara ng I-Genex na ang kargamento ay mga gamit pangbahay at mga personal na gamit ngunit natuklasan na naglalaman ito ng mga personal items na may halong mga kahon ng beauty products tulad ng hydrating creams, cleanser, mask at rose water nang walang Food and Drugs Administration (FDA) permit.
Idineklara naman ng 188 Fortune at Hepomlan Trading ang kanilang kargamento na mga kitchen wares, bolts at screws pero natuklasang mga speakers, cookware, CCTV, beams, textiles, tiles, rubber pads, pagkain na walang kaukulang FDA permit, at G-shock watch.
Samantala, 16 pang containers na naka-consigned sa Janeri Import Trading at naglalaman ng misdeclared fake clothing apparels at galvalume stell coil ang nasamsam.
- Latest

















