^

Metro

MMDA nagsimulang maglinis sa kalat ng eleksyon

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
MMDA nagsimulang maglinis sa kalat ng eleksyon
Sa direktiba ni MMDA Chairman Danilo Lim, mahigit 100 street sweepers at clearing group members ang idineploy sa pi­ling lugar sa Parañaque, Taguig at Makati City kasama ang mga lokal na pamahalaan na naglunsad din ng kanilang sari­ling clean-up operations.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis ng campaign materials at election paraphernalia na nagkalat sa mga pangu­nahing lansangan sa Me­tro Manila.

Sa direktiba ni MMDA Chairman Danilo Lim, mahigit 100 street sweepers at clearing group members ang idineploy sa pi­ling lugar sa Parañaque, Taguig at Makati City kasama ang mga lokal na pamahalaan na naglunsad din ng kanilang sari­ling clean-up operations.   

“Bukod sa pangunahing lansangan, nag-deploy ang MMDA ng ilang tauhan sa mga lugar sa Metro Manila kung saan humingi ng tulong ang lokal na tanggapan ng Comelec para tanggalin ang mga nagkalat na campaign materials,” ani Francis Martinez, MMDA Parkway Clearing Group head, na nanguna sa ope­rasyon.

Gamit ang scraper at backpack sprayer, isa-isang tinatanggal ang mga election materials na nakadikit sa pader at bakod sa Kamaynilaan. Man-lifters naman ang gamit para sa mga posters na nakasabit sa mga matataas na poste.

“Sa ngayon, umabot na sa 15.81 cubic meters na basura ang nahakot namin sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan elections,” ani  Martinez.

Karamihan sa mga election paraphernalia na nakolekta ay papel, plastik at tarpaulin na naiwan sa mga kalsada, polling precincts, eskwelahan at pampublikong lugar.

Determinadong tapusin ng mga tauhan ng MMDA ang paglilinis sa buong Kalakhang  Maynila  ngayong linggong ito.

vuukle comment

CAMPAIGN MATERIALS

ELECTION PARAPHERNALIA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with