^

Metro

‘Dugo-dugo gang’ umatake: Safety box tinangay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umatake na naman ang ‘Dugo-Dugo Gang’ na nakatangay ng cash,  alahas at mahahalagang dokumento nang malinlang ang kapatid ng isang account manager na nagdala ng safety box sa isang lugar, sa Ermita, Maynila, kamakalawa  ng  hapon.

Sa reklamong inihain sa Manila Police District-Gene­ral Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ni Marilou Constantino,39, residente ng San Andres, Maynila, ang kapatid niyang si Violy Constantino, 49, ang nakatanggap ng tawag sa landline nitong Abril 26 ala- 1:30 ng hapon.

Isang babae ang caller na nagsabing naaksidente si Marilou at kaya magpadala ng malaking halaga ng pera.Pero di naglaon ay nagkasundo na magkikita na lamang sila para dalhin ang safety box.

Nagtagpo si Violy at ang babaeng suspect sa isang  food chain sa Taft Avenue at General Luna St., kung saan kinuha ng huli ang safety box. Sinabihan  na lamang umano si Violy na maghintay doon at darating ang kapatid na si Marilou.

Nang mahimasmasan ay naisip niya na isang oras siyang naroon na walang dumarating hanggang sa magpasya na umuwi ng bahay.

Sa bahay ay natukla­san na naroon na si Marilou at hindi totoo na nadisgrasya bagkus ay nabiktima sila ng nasabing grupo.

vuukle comment

DUGO-DUGO GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with