^

Metro

Lalaki nasawi sa masahe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi sa hindi pa makumpirmang sakit ang isang lalaki makaraang mawalan ng malay habang nagpapamasahe sa loob ng isang massage spa sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Tomas Ramon De Guzman, 54, residente ng No. 432 Paterno Street, Brgy. Libis, Binangonan, sa lalawigan ng Rizal.

Sa ulat, nagpamasahe sa loob ng Majestic Health Spa sa may No. 57 MacArthur Highway, Caloocan City dakong alas-4:00 ng hapon si De Guzman at hiniling sa kanyang masahista ng ‘hard’ na masahe.

Habang nasa gitna ng masahe, bigla umanong tumayo si De Guzman at inu­tusan ang kanyang masahista na kunin ang kanyang gamot sa kanyang gamit bago tuluyang nawalan ng malay.

Agad namang isinugod ng mga tauhan ng spa si De Guzman sa Manila Central University Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang bangkay ni De Guzman upang maberepika ang dahilan ng kanyang pagkasawi.

vuukle comment

DEAD IN MASSAGE SPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with