^

Metro

P3-B shabu nasamsam: 2 Chinese tiklo

Joy Cantos at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P3-B shabu nasamsam: 2 Chinese tiklo

Ang nasamsam na P3-B halaga ng shabu na nakalagay sa malala­king travel bag sa isinagawang buy-bust operation sa San Juan kahapon. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa P3 bilyong halaga ng shabu ang nasam­sam ng pinagsanib na mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) at San Juan Police sa isinagawang drug bust operation sa San Juan City nitong Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Eastern Police District (EPD) Anti-Illegal Drug Unit Chief P/Senior Inspector Virgilio Santiago, bandang alas-12 ng hapon ng isa­­gawa ang operasyon malapit sa Club Filipino sa Greenhills ng lungsod.

Arestado naman sa operasyon ang dalawang Chinese at ang ka­sabwat ng mga ito sa illegal drug trade na mag-asawang Pinoy na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan habang isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon.

Nasamsam sa ope­rasyon ang 100 bags na tinatayang naglalaman ng 6-10 kilo ng shabu sa isang residential area sa Mangga Street ng na­banggit na lungsod.

Ayon sa opisyal ang mag-asawang Pinoy ay hindi target ng operas­yon pero kasama ang mga ito sa inaresto ma­­tapos na maabutan ng mga operatiba sa lugar kung saan isinasagawa ang anti-drug ope­ration.

Narekober rin sa mga suspect ang dalawang behikulo, isang Honda CRV at isang kulay itim na Subaru forester at hindi pa ma­­determinang cash kabilang ang P20,000 na gi­namit sa drug bust ope­ration.

 Nakuha rin sa ope­rasyon ang mga likido na gamit na sangkap sa pagmamanupaktura ng shabu.

 Patuloy namang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad ang mga nasakoteng suspect.

vuukle comment

UAVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with