^

Metro

Caretaker minartilyo na sinaksak pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang kati­wala ng isang gusali nang paluin ng martilyo sa ulo at pagsasaksakin ng mga hindi pa nakilalang salarin, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Joe Saint Pasuelo, alyas “Job”, 40, stay-in electrician/ caretaker sa isang ginagawang bahay sa No. 49 Block 1 Pampano St., Brgy. 14, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima nina Marlon Guttierez, stay-out mason at Jojith Jepongol, 40, stay-out na karpintero sa ginagawang bahay na binabantayan ni Pasuelo.

Ayon kina Guttierez at Jepongol, kapapasok lang nila sa trabaho sa ginagawang bahay nang makita ang duguang biktima na nakahandusay sa isang bahagi ng bahay. Agad na humingi ng saklolo ang dalawa sa mga opisyal ng barangay at Police Community Precinct 2.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ang biktima ng isang malaking sugat sa ulo dulot ng matigas na bagay at mga tama ng saksak sa katawan sanhi ng kanyang kamatayan.  Natagpuan naman malapit sa bangkay ang isang martilyo, isa pang nasirang martilyo at dalawang patalim.

Patuloy ngayon ang imbes­tigasyon ng pulisya sa na­turang insidente habang isinasailalim rin sa imbestigas­yon sina Guttierez at Jepongol.

vuukle comment

CHIANG KAI SHEK COLLEGE

FREEGO CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with