^

Metro

Lolo, lola biktima ng ‘Gapos Gang’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginapos na parang mga baboy ang mag-asawang lolo at lola nang looban ang mga ito  ng dalawang miyembro ng “Gapos gang”  kung saan natangay sa mga ito ang cash at mga kagamitang nagkakahala-ga ng  P.7 milyon, kamaka-lawa sa Parañaque City. 

Ayon kay Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, kahapon lamang nagreklamo ang mga  biktima na sina Liberato Hilomen, 70, isang retired teacher at misis nitong si Estrella, 60, isa namang retired government employee dahil sa sobrang takot ng mga ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Christopher Mamigo, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Parañaque City Police, naganap ang insi-dente alas-4:30 ng hapon sa bahay ng mag-asawang Hilomen sa Brgy. Don Bos­co ng naturang lungsod. 

Natiktikan umano ng mga suspek, na ang mga biktima lamang ang nasa loob at dito nila sinamantalang looban ang mga ito.

Nang makapasok sa loob ay ginapos ang dalawang matanda at ikinulong sa kuwarto at saka nila isinagawa ang pagnanakaw.

Natangay ang mga pera, alahas at mahahalagang kagamitan ng mga biktima na tinatayang nasa P700,000.00 ang kabuuang halaga.

Matapos isagawa ang panloloob, nagbanta ang mga suspek, na babalikan ang mga biktima at saka  nagsitakas ang mga ito.

Nang maramdaman ng mag-asawang biktima na wala na  ang mga suspek, dito na sila gumawa ng paraan upang kalagan ang kanila-kanilang mga sarili mula sa pagkakagapos.

Halos ma-trauma ang mga biktima sa labis na takot kung kaya’t hindi nila kaagad ipinagbigay alam sa pulisya ang kanilang sinapit. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insi-dente.

vuukle comment

ANG

ARIEL ANDRADE

ATILDE

CHRISTOPHER MAMIGO

CITY POLICE

DON BOS

LIBERATO HILOMEN

MGA

NANG

NBSP

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with