^

Metro

Akyat bahay, huli sa akto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huli ang isang miyembro ng ‘akyat bahay gang’ sa loob mismo ng bahay na kanyang nilooban sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang  suspek na si Anthony Apostol,  residente rin ng Pasig City ay ipinagharap nang kasong theft.

Mismong ang biktimang si Rommel Ordiales, residente ng Ilugin, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City ang nakahuli sa suspek habang siya ay pinagnanakawan dakong alas-2:00 ng madaling-araw.

Sa reklamo ni Ordiales sa pulisya, nabatid na mahim-bing na siyang natutulog sa loob ng kanyang kuwarto nang magising dahil sa ingay na mula sa likurang pintuan ng bahay.

Kaagad siyang nagduda na may nakapasok na magnanakaw kaya’t dahan-dahang siyang bumangon at naaktuhan ang suspek na binubuksan ang kanyang bag, kaya’t kaagad na niya itong dinakma.

Humingi rin siya ng tu­­long sa mga miyembro ng Barangay Security Force (BSF), na siyang tumu­long sa kanya upang ma­dala ang suspek sa
pre­sinto.

Bagamat nabawi mula sa suspek ang cellphone ng biktima, hindi naman nakuha ang P2,500 cash na ninakaw nito, na sinasa­bing naipasa sa isang
ka­sab­wat, na nakatakas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY APOSTOL

BAGAMAT

BARANGAY SECURITY FORCE

BRGY

HULI

PASIG CITY

PINAGBUHATAN

ROMMEL ORDIALES

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with