^

Metro

‘Pasko sa Paslit,’ pahabol na regalo ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagamat tapos na ang panahon ng Kapaskuhan, paliligayahin pa rin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte  ang mga indigent children sa lungsod.

Ito ay sa pamamagitan ng taunang ‘Pasko sa Paslit project’ ni Belmonte na tinaguriang Circle of Fun na isasagawa sa Enero 14 at 15 ng taong ito.

Dapat sana ay noong buwan pa ng Disyembre ito naisagawa pero dahil sa dumating na bagyong Nona at naging abala ang Vice Mayors Office sa pagtulong sa mga sinalanta ng naturang bagyo, nai-reset ang proyekto ng Enero.

“Ito po ay taunan nating ginagawa na laan para sa mga kabataang nais nating bigyan ng kasiyahan tuwing holiday season” pahayag ni Belmonte.

May 2,000 kabataang indigent mula sa ibat ibang barangay sa anim na distrito ng QC ang benepisyaryo ng proyekto kasama ang mga paslit na inaalagaan ng mga non-governmental organization partikular mula sa Tulay ng Kabataan at Community Based Rehabilitation.

Pagkakalooban ang bawat bata ng libreng sakay sa Circle of Fun sa QC circle at mga loot bag .

vuukle comment

ANG

BAGAMAT

BELMONTE

CIRCLE OF FUN

COMMUNITY BASED REHABILITATION

DAPAT

DISYEMBRE

ENERO

ITO

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

VICE MAYORS OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with