^

Metro

Nene sa Marikina tinamaan ng ligaw na bala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang batang babae ang tinamaan ng ligaw na bala habang siya at kanyang pamilya ay nanonood ng telebis-yon sa loob ng kanilang tahanan sa Marikina City kamakala­wa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Francia Grace Paragon, 9, grade 3 stu­dent, nakatira sa Bara-ngay Malanday sa lungsod.

Nabatid na dakong alas-11:15 ng gabi ay nakahigang nanono­od ng TV ang pamilya Paragon sa loob ng kanilang bahay noong marandaman ng biktima na tila may tumamang mainit na bagay sa kanyang kaliwang dibdib at nang hawakan nito ay umaagos na ang dugo, kaya agad siyang nagsabi sa kanyang mga magulang na may tama siya.

Mabilis na isinugod sa Amang Rodri­guez Memorial Medical Center ng kanyang pamilya ang biktima kung saan ay sumasailalim ngayon sa maselang operasyon.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masu-sing imbestigayon ang mga tauhan ng Marikina police upang matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril sa nasa-bing lugar.

Tiniyak ni Eastern Police District (EPD) Director, Chief Supt. Elmer Jamias na dadakpin nila at kakasuhan ang sino mang matutukoy na may kagagawan ng indiscriminate firing na nakatama sa bata.

vuukle comment

ACIRC

AMANG RODRI

ANG

CHIEF SUPT

EASTERN POLICE DISTRICT

ELMER JAMIAS

FRANCIA GRACE PARAGON

ISANG

MARIKINA CITY

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with