^

Metro

Life hatol sa killer ng ina ni Cherry Pie Picache

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court ang suspek sa pagpatay kay Zenai­da Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Pica­-che  no­ong Setyembre 19, 2014 sa lungsod.

Ito ay makaraang ma-patunayang guilty kahapon ni QC RTC Judge Alfono Ruiz ang akusadong si Michael Flores, houseboy ng biktima, sa kasong robbery with homicide.

Bukod sa habambuhay na kulong, pinagbabayad din ng korte si Flores ng P1,245,000 halaga bilang danyos sa pamilya ng biktima, gayundin ng P50,000 penalty bilang moral dama­ges at P50,000 para sa civil indemnity.

Matinding pasasalamat naman ang nasambit ni Cherry Pie  sa mabilis na paghatol ng korte sa akusado at pagbibigay ng hustisya  sa kanyang ina na dumalo sa pagbaba ng hatol ng korte sa akusado.

Tumayong kasamba-hay ni Sison, 75-anyos ang 29-anyos na si Flores na sinasabing madalas sa bahay ng biktima para mag­linis ng bahay.

Si Flores ay naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) noong Oktubre  sa isang bahay sa Laguna sa tulong CCTV footages na nakuha sa crime scene.

Sa CCTV footages na­kita ang short at t-shirt  ng suspek narekober sa crime scene  na nagpatibay ng ebidensiya laban kay  Flores.

Sinasabing ang naku-hang short at t-shirt sa crime scene ay siya ring mga damit na suot ni Flores na naki­ta sa CCTV foota­ges nang pagnakawan at patayin ang biktima na si Sison.

Inamin din ni Flores na unang plano niya ay pag­nakawan lamang ang matanda subalit nagtitili ito nang magising mula sa pagkakatulog kaya nasaksak niya ito at tuluyang pinatay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FLORES

JUDGE ALFONO RUIZ

MICHAEL FLORES

NBSP

SHY

SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with