^

Metro

Direktor ng NAPOLCOM, inireklamo ng lady cop

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inireklamo ang isang director ng National Police Commission (NAPOLCOM) matapos nitong sugurin, insultuhin at pagbantaan ang isang police woman na naganap mismo sa tanggapan ng Makati City Police, kamaka-lawa ng hapon.

Kinilala ang inirereklamo na si NAPOLCOM National Capital Regional (NCR) Acting Director II Francisco Delos Santos.

Samantala, ang com­plai­­nant naman nito ay nakilalang si SPO2 Rosalyn Panes, nakatalaga sa Makati City Police.

Base sa blotter ng Makati City Police Complaint Desk, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon mismo sa tanggapan ng naturang himpilan ng pulisya.

Bago ang insidente ay tumawag muna sa tanggapan ng chief of police si Delos Santos at ang nakasagot sa telepono ay si Panes.

Kung saan inuutusan ni Delos Santos, na tanggalin aniya ang mga sasakyang ilegal na  naka-park sa NAPOLCOM-NCR sa Jupiter St., Brgy. Bel-Air ng naturang lungsod at sumagot naman   ng “oo” si Panes.

Subalit, ilang minuto ay muling si Delos Santos at ang muling nakasagot ay si Panes at dito ay galit na galit na sinigawan ng una ang huli, kung bakit hindi pa tinatanggal ang mga sasakyang naka-illegal parking.

“Bakit hindi ninyo mapa­tanggal itong mga nakapa­rada sa Jupiter!  Naglalagay ba ito sa inyo? Tawagan ko ngayon si Col. Barlam at siya mismo ang patatanggalin ko ng nakaparada dito”, ayon umano  kay Delos Santos.

Dahilan upang tanungin ng police woman ang pangalan nito, na lalung ikinagalit ni Delos Santos at sabay na nagbitiw ng salita at sina-bing “hindi mo ba ako kilala ako ang  regional director ng NAPOLCOM, si Director Delos Santos at bigla na lamang naputol ang linya sa telepono.

Dito na umano sinugod ni Delos Santos si Panes sa Makati City Police Headquarters at dito ininsulto ang naturang police woman at pinagbantaan itong kakasuhan dahil minura umano siya nito (ni Panes).

Subalit, ayon kay Panes, hindi niya minura si Delos Santos at hindi niya aniya gagawin ito sa isang opisyal ng gobyerno.

Dahilan upang ipa-blotter ng naturang police woman ang insidente na nalaman na mahilig umanong manigaw at  mang-insulto sa mga pulis si Delos Santos.

Isa pang police Makati umano ang nauna nitong ininsulto at pinagbantaang ipapatapon sa kangkungan.

vuukle comment

ACIRC

ACTING DIRECTOR

ANG

DAHILAN

DELOS

DELOS SANTOS

DIRECTOR DELOS SANTOS

MAKATI CITY POLICE

NBSP

POLICE

SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with