^

Metro

Vendor, nagbigti nang iwan ni Misis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Winakasan ng isang vendor ang sariling buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa ng gabi matapos umano nitong hindi makayanan ang lungkot nang iwan ng asawa.

Kinilala ang biktimang si Jeffrey Chavez, 27, at residente ng Centennial 2, Dreamland, Nagpayong, Brgy. Pinag-buhatan.

Ayon kay P/Inspector Robert Garcia, hepe ng Pasig Police Criminal Investigation Division, dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang bayaw ang bangkay ni Chavez na nakabigti sa kisame sa loob ng kanyang kuwarto, gamit ang isang nylon cord.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Biyernes ng hapon habang naghihinga ng sama ng loob sa kanyang mga kaanak dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng asawang si Stephanie.

May tatlong araw na umanong umalis ng tahanan si Stephanie upang magpalipas ng sama ng loob matapos magkaroon silang mag-asawa ng pagtatalo dahil sa selos.

 

vuukle comment

ANG

AYON

BIYERNES

BRGY

CHAVEZ

HULING

INSPECTOR ROBERT GARCIA

JEFFREY CHAVEZ

PASIG CITY

PASIG POLICE CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

STEPHANIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with