^

Metro

Road re-blocking sa EDSA Pasay, simula ngayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayong araw na ito (Oct. 21), ng Maynilad Waters ang road re-blocking at restoration sa kahabaan ng EDSA sa kanto ng C.Jose sa Malibay, Pasay City kayat asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Ayon sa Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang re-blocking ay dulot ng gagawing repair sa nag-leak na 150mm-diameter pipeline sa lugar.

Mula ngayong Miyerkules hanggang sa Huwebes October 22, 3 sa 5 north-bound lanes sa Edsa ay sarado sa mga motorista mula alas- 11 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw.

Bukas naman ang lugar na ito sa araw para sa mga motorista. Tatakpan na lamang ng steel plates ang lugar na inaayos para mada­­anan ng mga motorista.

Gayunman, sa October 23 (Friday midnight), 2 sa 3 lanes ay isasara din sa trapiko para sa 24 hours road restoration. Kinabukasan naman October 24 (Sabado ng hatinggabi), ang 2 lanes ay bukas na sa trapiko habang ang 3rd lane ay sarado sa trapiko para sa 24 hours road restoration.

Sa  Lunes, October 26, tapus na ang road restoration activities ng Maynilad kayat sa araw na ito ay bukas na sa mga motorista ang 5 lanes sa nabanggit na lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BUKAS

EDSA

GAYUNMAN

HUWEBES OCTOBER

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

MAYNILAD WATERS

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with