^

Metro

Vendor nag-amok: 1 patay, 3 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister at tatlo pa ang nasu­ga­­­tan matapos mag-amok ang isang lasing na taho vendor, kamakalawa ng gabi sa Pa­rañaque City.

Dead-on-arrival sa Pa­rañaque City Doctors Hospital ang biktimang si Erwin Lagonday, 27, ng Malaca­ñang Dulo, Brgy. Don Bos­co ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong ilang saksak sa iba’t ibang baha-gi ng katawan.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina  Al-vin Dayle, 26; Piolo Placios, 16, at Leo Vincent Es­trada, 20.

Nakakulong naman sa Parañaque City Police detention cell ang suspek na si Teoderico Algas, 51, isang taho vendor, nakatira sa naturang lugar.

Sa ulat na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi.

Bago ang insidente, nakipag-inuman muna ang suspek sa ilang kaibigan nito at dahil sa sobrang kalasingan ay nagsimula na itong magwala na nang  makahagilap ng patalim ay dito na nag-amok.

Bawat makakalasalubong umano nito ay hinahabol ng saksak hanggang sa maabutan nito ang apat na biktima, na ikinasawi ni Lagonday.

Agad namang nakares­ponde ang pulisya kung saan nadakip ang suspect.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL ANDRADE

ATILDE

CITY DOCTORS HOSPITAL

CITY POLICE

DON BOS

ERWIN LAGONDAY

LEO VINCENT ES

PIOLO PLACIOS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with