^

Metro

Bangkay lumutang sa creek

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa may gilid ng isang creek sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Niño Coral ng Quezon City Police District Station 10, ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa taas na 5’5, nakasuot ng security guard pants at belt, at may sugat sa bahagi ng kanyang ulo.

Nadiskubre ang naturang bangkay ng isang Allan Gadi, sa may Lagaran creek malapit sa no. 19-B, Gumamela St., Brgy. Roxas, alas 7:30 ng umaga.

Sinasabing naghihimas ng kanyang manok panabong si Gadi, nang mapuna niya ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa ilog.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) maliban sa sugat sa noo ay wala naman silang ibang nakitang palatandaan na maaring ugat ng pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

ALLAN GADI

ATILDE

AYON

BRGY

GUMAMELA ST.

ISANG

LAGARAN

NADISKUBRE

QUEZON

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with