^

Metro

Chinese national, patay sa ambush

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang Chinese national  nang tambangan ng mga lalaking sakay ng isang itim na SUV habang ang biktima ay sakay sa isang taxi, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Ba-linggan ng Manila Police District-Homicide Section, inaalam pa nila sa Chinese Embassy ang tunay na pangalan ng nasawing biktima na kinilala lamang sa alyas na “Awei”, nasa 25-30 ang edad, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan.

Nadamay na tinamaan din ng bala sa kanang bahagi ng katawan ang taxi driver na    si Edgardo Atacador, 55, ng Arjapa taxi na ginagamot sa Phi-lippine General Hospital (PGH)

Nabatid na naganap ang insidente dakong ala- 1:30 ng madaling araw habang ang biktima  ay nakasakay sa front passenger seat ng taxi  nang dikitan ng sasakyan ng mga suspect. Mula doon dumikit sa taxi ang  sasakyan ng mga suspect at pinagbabaril ang lugar ng biktima  sa may tapat ng Dela Salle  University sa Taft Avenue,  panulukan ng Estrada St., Malate.

Ayon kay Dong Ming Zhang, 30, kasama ng biktima na masuwerteng hindi nasugatan sa pangyayari na bago ang insidente nagkita-kita umano si Awei at iba pang Chinese national  sa Resorts World at nagpasiyang  magtungo sa Royal KTV sa Malate kung saan nag-inuman

Nang magpasiyang umuwi ang iba ay sumakay naman ng taxi sina Awei at Dong Ming na magpapahatid sana sa Makati Avenue, suba­lit habang nasa southbound lane ng Taft Avenue ay tinambangan na ito. Tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Vito Cruz, Malate. 

 

vuukle comment

ANG

AWEI

CHINESE EMBASSY

DELA SALLE

DONG MING

DONG MING ZHANG

EDGARDO ATACADOR

ESTRADA ST.

GENERAL HOSPITAL

NBSP

TAFT AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with