^

Metro

Motorsiklo, kotse nasalpok Vandolph nasangkot na naman sa aksidente

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang na­sangkot sa aksidente ang aktor na si Vandolph Quizon matapos umano nitong masalpok  ang isang motorsiklo at isang kotse  na ikina­sugat ng isang rider, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

 Sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police kinilala ang sugatang   si Michael Pereira, 40, ng  Victory Avenue, Tatalon, Quezon City.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga sa harapan ng PAGCOR sa North bound ng  kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue, Brgy.  Santo Niño, Parañaque City.

Nabatid na minamaneho ni Vandolph ang kanyang Toyota Fortuner ( UOO-707) at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay biglang na-flat ang gulong­ ng kanyang sasakyan hanggang sa hindi na nito nakontrol ang kanyang preno.

Dahil dito, sumalpok  ito sa center island at napa­tawid sa kabilang lane at  nasalpok  ang bumabagtas  namang Yamaha Sniper (3224-PL) na minamaneho ni Pereira at isang Toyota Hi-Lux, ( WTB-519 ) na minamaneho naman ni Leonardo Tapino, 48, ng  Sampaloc, Manila.

Dahil sa insidente ay nag­resulta ito nang pag­kasugat ni Pereira, na nasira din ang motorsiklo, gayundin ang sasakyan ni Tapino.

May sira rin ang sasakyan ng naturang aktor dulot nang pagkakasalpok nito sa nabanggit na mga sasakyan at hindi naman ito nasugatan. Iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

Matatandaan na noong Nobyembre 21, 2007 ay nasangkot ang naturang aktor sa aksidente na ikinasawi ng dating nobya nito.

vuukle comment

ARIEL ANDRADE

CITY POLICE

DAHIL

LEONARDO TAPINO

MICHAEL PEREIRA

NINOY AQUINO AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with