^

Metro

2 ‘tirador’ ng manok, tinodas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang da­lawang lalaki na pinaghihinalaang mga magnanakaw ng panabong na manok, kamakailan sa Caloocan City.

Kinilala kahapon ng mga kaanak ang mga biktima sa pamamagitan ng mga kuhang litrato na sina Alberto Tabjan, 21, ng Phase 5A Package 1 Brgy. Bagong Silang at si Eugene Mateo, 17, ng Bo. Concepcion, Tala, Caloocan City.

Sa inisyal na ulat,  dakong alas-7 nitong Marso 1 nang matagpuan ang bangkay ng dalawang biktima sa gilid ng Congressional Model Givenchy St., Brgy. 175 Camarin,  ng naturang lungsod. Nabatid na may bakas ng pagbigti sa leeg ng isa sa mga biktima habang binalot naman ng tape ang buong mukha ng isa pang biktima sanhi upang hindi ito makahinga.

Sa panayam ng mga imbestigador sa lugar ng krimen, posible umano na ang dalawang nasawi ang mga notoryus na magnanakaw ng manok na panabong sa Camarin at Bagong Silang makaraang matagpuan pa sa tabi ng kanilang bangkay ang isang patay na tandang.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Danilo Garcia)

 

vuukle comment

ALBERTO TABJAN

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CONCEPCION

CONGRESSIONAL MODEL GIVENCHY ST.

DANILO GARCIA

EUGENE MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with