^

Metro

Mag-utol natusta sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang magkapatid kabilang ang dalawang buwang sanggol nang masunog ang kanilang barung-barong sa Yuseco St., sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival dakong alas-2:30 ng madaling araw ang beybi na si Anna Marie habang ang ate nito na si Princess Apple Tolentino, 5, ay binawian ng buhay dakong alas-6:30 ng umaga, batay sa nakuhang report sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Ang  mga biktima ay nakatira lamang umano sa kubol o barung-barong na itinayo sa gilid ng riles sa Yuseco at Ba­tangas Sts., sa Tondo.

Hanggang alas-6:00 ng gabi kahapon ay wala pang ulat o impormasyon ang Manila Fire Bureau at Arson Division ukol dito. Nabatid na alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang sunog dahil sa iniwang nakasinding kandila.

Nabatid na naiwan sa barung-barong ang magkapatid makaraang umalis ng bahay ang kanilang ina na  si Josephine, 34, labandera.

Para bumili lang ng pagkain. Maliit lamang ang sunog at walang iba pang bahay na na­damay.

vuukle comment

ANNA MARIE

ARSON DIVISION

HANGGANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAPWA

MANILA FIRE BUREAU

NABATID

PRINCESS APPLE TOLENTINO

YUSECO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with