^

Metro

18-anyos na tulak tiklo sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa mi­yembro ng notoryus na Balweg-Navarro Group sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa kulungan na inabot ng pagpapalit ng Bagong Taon ang suspek na si Llama Navarro Y Arguelles, 18, alyas King at Kokie, at nakatira sa #258-D Theresa Street sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Glenn Gonzales, hepe ng DAID-SOTG, dakong alas-7:30 ng gabi noong Martes, inilatag ang operasyon laban sa suspek dahil sa malawak na pagsusuplay ng iligal na droga sa National Capital Region.

“Kasama sa NCRPO watchlist ’yang Balweg-Navarro Group, malaking sindikato ‘yan na nag-ooperate sa Metro Manila,” pahayag ni PChief Insp. Gonzales.

Gumamit ng poseur-buyer ang grupo ni Gonzales at nang makabili ng iligal na droga sa halagang P500, ay sinalakay ang bahay nito.

Nasamsam sa suspek ang isang plastic ziplock na naglalaman ng 8-plastic sachet ng metamphetamine hydrochloride (shabu) at P500 bill.

Nakatakdang kasuhan sa Manila City Inquest Pro­secutor ang suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 Section 5 (drug pushing) at Section 11 (possession of illegal drugs) ang suspek. 

vuukle comment

BAGONG TAON

BALWEG-NAVARRO GROUP

CHIEF INSP

D THERESA STREET

GLENN GONZALES

GONZALES

LLAMA NAVARRO Y ARGUELLES

MANILA CITY INQUEST PRO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with