^

Metro

Umayaw sa sugal, tinarakan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-ayaw sa sugal habang nananalo, isang kawani ang sinaksak  ng isa sa mga kalaro nito, kahapon sa Pasay City.

Inoobserbahan ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rolando Soriano Jr., 24 ng Leve­riza St., ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang saksak sa katawan.

Base sa report na nakarating sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-12:55 ng madaling-araw sa panulukan ng Progreso St., at Gil Puyat Avenue, Brgy. 20 ng naturang lungsod.

Nakikipaglaro umano ang biktima sa pitong kalalakihan ng sugal na cara y cruz at dahil nananalo na umano ito ay bigla itong umayaw.

Dahilan naman upang maasar sa kanya ang ilang kalaro nito hanggang isang lalaki ang bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay kanya-kanyang nagpulasan ang mga kalaro ng biktima kasama ang sumaksak dito.

 

vuukle comment

BRGY

DAHIL

DAHILAN

GIL PUYAT AVENUE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PROGRESO ST.

ROLANDO SORIANO JR.

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with