^

Metro

Coed biktima ng ‘Basag kotse’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli na namang sumalakay ang isang miyembro  ng ‘Basag kotse gang’ matapos  biktimahin ang sasakyan ng isang dalagang estudyante sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Isabella Kristine Braza, 18, ng Mariposa Village, BF Homes, Las Piñas City.

Ayon sa imbestigasyon ng Makati City Police, base sa pahayag ng biktimang si Braza, naganap ang insidente pasado alas-9:00 ng gabi sa harapan ng Mini Stop sa kahabaan ng Chino Roces Avenue, Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Sandaling ipinarada ng biktima ang kanyang Toyota Fortuner sa naturang lugar para  bumili lamang  ng ice cream sa isang convenient store. Pagbalik  ng dalaga ay napansin niya na basag ang salamin ng likuran ng kanyang sasakyan at dito niya nadiskubre na nawawala ang kanyang bag, na naglalaman ng pera at mahahalagang gamit.

Inaalam pa ng pulisya kung may  nakakabit na CCTV camera­ sa naturang lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek.

vuukle comment

CHINO ROCES AVENUE

ISABELLA KRISTINE BRAZA

LAS PI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARIPOSA VILLAGE

MINI STOP

PIO DEL PILAR

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with