^

Metro

HS student binoga sa loob ng jeep, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 4th year high school student  makaraang malapitang barilin sa ulo  ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng isang pampasaherong jeep, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Isinugod pa sa Our Lady of Lourdes Hospital ngunit nalagutan rin ng hininga dakong alas-6:30 ng umaga ang biktimang si Nicole Jan Macaranan, 17-anyos, estudyante ng Caloocan High School, at residente ng Victory St., Vista Verde Executive Sub­division North,  Brgy. 166, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng madaling araw sa tapat ng Vista Verde Subdivision,  sa Gen. Luis Street, Kaybiga, Brgy. 166, ng naturang lungsod.

Ayon sa saksing si Rodrigo Penollar, driver ng pampasaherong jeep, kapwa lulan ng minamaneho niyang jeep ang biktima at ang salarin nang walang sabi-sabing barilin sa ulo si Macaranan.  Bumaba umano sa sasakyan ang salarin matapos ang pamamaril at tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang krimen.  Ilan sa kinukon­siderang anggulo ay maaaring panghoholdap o kaya naman ay planado ang pamamaslang.

 

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN HIGH SCHOOL

LUIS STREET

NICOLE JAN MACARANAN

OUR LADY OF LOURDES HOSPITAL

RODRIGO PENOLLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with