^

Metro

Ginang ginilitan, isinako ng ka-live-in

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 20-anyos na ginang na isang pipi at bingi makaraang gilitan sa leeg at isiksik sa isang sako ng kanyang live-in partner, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Mary Joy Rodriguez, ng Magnolia Street, Barrio San Lazaro, Brgy. Tala, ng naturang lungsod. Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Reynaldo Anova, 21-anyos.

Sa ulat ng Caloocan City Police, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-11 kamakalawa ng gabi. Unang nagsumbong ang ina ng biktima sa mga opisyal ng barangay dahil sa hindi nito makita ang anak na babae kaya rumesponde sa lugar at nakita ang bangkay ni Rodriguez.

Sa imbestigasyon, nabatid na unang nagkaroon ng away sina Anova at kinakasama na si Rodriguez kamakalawa ng gabi. Nakakuha umano ng itak ang biktima at tinangkang tagain ang suspek na nagawang makailag at maagaw ang gulok.

Ang naturang itak rin ang ginamit ng suspek sa paggilit sa leeg ng biktima. Dito isinilid ng suspek ang bangkay ng biktima sa isang sako at inilagay sa ilalim ng hagdan ng kanilang bahay­. Ayon sa pulisya, umamin sa kanyang krimen ang suspek habang narekober rin ang bolo na ginamit nito sa krimen.

vuukle comment

AYON

BARRIO SAN LAZARO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DITO

MAGNOLIA STREET

MARY JOY RODRIGUEZ

REYNALDO ANOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with