^

Metro

Apo ni Rep. Atienza, nag-suicide

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pa­mamagitan ng pagtalon mula sa ika-45 palapag ng isang condominium ang apo ni dating Manila Mayor  at ngayon ay Congressman Lito Atienza, kama­kalawa ng hapon sa Makati City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Andrea Georgia­ “Adi” Atienza Beltran, 18, dalaga, ng  West Tower 1 Condominium, 1 Rockwell Drive, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod, estudyante ng Enderun Colleges, Global City, Taguig City.

Base sa report na nakarating sa Makati City Police, naganap ang in­sidente alas-3:00 ng hapon sa 45th  floor ng West Tower Condominium sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na ma­tinding depression umano ang dinanas ng biktima na sinasabing may tinataglay na karamdaman.

Sinabi pa sa ulat na matagal nang nagtatangkang magpapakamatay ang dalaga.

Nabatid na  lumutang umano sa Makati City Police Headquarters noong Linggo (Agosto 3) si Rep. Atienza, dahil ang ina ng nasawi ay anak ng dating alkalde.

Tumanggi ang pamilya ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay nito at tumanggi ring magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Tinangka ng PSN na kunin ang pahayag ni Rep. Atienza pero tumanggi itong magbigay.

vuukle comment

ANDREA GEORGIA

ATIENZA

ATIENZA BELTRAN

CONGRESSMAN LITO ATIENZA

ENDERUN COLLEGES

GLOBAL CITY

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE HEADQUARTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with