^

Metro

Quezon City LGU pinadali, mas pinamura pagtatayo ng negosyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinadali at mas pinamura pa ng ng Quezon City government ang pagtatayo ng ­negosyo sa pamamagitan ng pag-waive sa barangay business clearance fees para sa mga bagong rehistradong nano-enterpsies, gayundin ang pag-standardize ng mga bayarin sa lahat ng 142 ng barangay sa lungsod.

Sa ilalim ng Ordinance No. SP-3525, S-2026, o Unified Barangay Fees Ordinance, hindi na magbabayad ng barangay business clearance fees ang nano-enterprises—kabilang na ang sari-sari stores, carinderias, at mga benepisyaryo ng City’s livelihood programs.

Layunin ng ordinansa na matulungan ang mga maliliit na negosyo na magamit ang limitadong capital sa inventory, equipment, at business expansion.

Para naman sa iba pang negosyo, ibabatay ang barangay clearance fees sa aktuwal na regulatory assessment ng lungsod, kabilang ang kaukulang bayarin para sa mayor’s permit, sanitary, zoning, garbage, tourism, at environmental fees.

Layunin nitong magpatupad ng patas, mali­naw, at naaayon sa laki o uri ng negosyo na sistema ng pagbabayad, habang inaalis ang hindi pare-pareho at labis na mga singil.

Isasabay na rin ang bisa ng barangay business clearance sa vali­dity ng Mayor’s Business Permit, upang maging mas simple at maayos ang proseso ng pagnenegosyo sa lungsod.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with