Ex-PLM law dean kinuwestiyon pagiging state witness ni Bonoan
MANILA, Philippines — Kinuwestyon ng isang abogado ang hakbang ng Office of the Ombudsman na gawing state witness si dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay dating Pamantasan ng Lungsod ng Maynila President at College of Law Dean Jose “Judd” Roy III na nagsilbing defense team ni dating defense team ni impeached Chief Justice Renato Corona noong 2012, hindi maaaring maisagawa ang umano’y sistema ng kickback sa mga flood control project kung walang partisipasyon ng mga opisyal ng DPWH na humahawak sa halos lahat ng prosesong kailangan para mailabas ang pondo ng gobyerno.
Ang pahayag ni Roy ay kasunod ng botong 2-1 ng Sandiganbayan Fifth division na pagbigyan ang kahilingan ng Ombudsman na alisin si Bonoan bilang akusado sa mga kasong plunder at graft na may kaugnayan sa umanoy P573 milyong kickback schme sa mga flood control project.
Giit pa ni Roy, ang mga opisyal na may kontrol sa disensyo, bidding, pagapatupad, at pagbabayad para sa mga proyektong sinasabing may anumalya ay dapat ituring na mga pangunahing sangkot sa umanoy plunder scheme, sa halip na bigyan ng proteksyon laban sa pag uusig.
“Matagal ko nang napupuna ’yan, at ito’y isang malaking problema para sa akin. Napapansin ko sa lahat ng mga kasong ito, parating binibigyan ng Ombudsman ng immunity ’yang DPWH,” ayon kay Roy.
Puna pa ng abogado, hawak ng DPWH ang pondo para sa mga proyekto, disensyo, bidding at pagpili ng contractor, pati na nagpa-apruba sa mga natapos na trabaho at kalaunan ay ang pagpapalabas ng bayad, kaya hindi maaaring ituring ang mga ito na mga taga labas lang o simpleng testigo sa umanoy katiwalian.
- Latest





















