^

Metro

MMDA Patrol na pumasok sa EDSA Busway gamit ibang plaka, isinuko sa LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Boluntaryong isinuko sa Land Transportation Office (LTO) ni General Nicolas Torre, General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang patrol vehicle ng ahensya matapos itong maisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ng LTO kaugnay nang pagdaan nito sa EDSA Busway at paggamit ng plakang hindi tugma sa sasakyang nakarehistro rito.

Ang naturang MMDA patrol vehicle ay kasalukuyang nasa pa­ngangalaga na ng LTO habang isinasagawa ang mga nararapat na pro­seso at kaugnay na imbestigasyon hinggil dito.

Bilang bahagi ng kaukulang aksyon ng LTO, sinuspinde ang lisensya ng driver ng naturang sasakyan at inalarma ang patrol vehicle kaugnay ng mga paglabag ng sasakyan sa batas trapiko kabilang ang ilegal na paggamit ng mga plaka at paggamit ng mga sasakyang hindi alinsunod sa umiiral na mga regulasyon.

Binigyang-diin ng LTO na anuman ang uri ng sasakyan o ahensyang nagmamay-ari nito, titiyakin ng ahensya na ang mga sangkot sa paglabag ay mananagot alinsunod sa batas.

LTO

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with