^

Metro

Lolo nag-suicide sa loob ng hotel

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lolo matapos magbaril sa sarili habang naka-check-in sa Spring Hotel sa Cubao, Quezon City, kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ang biktima mula sa nakuha sa kanyang identification card na si Noel Hirang, 62 hanggang 65-anyos.

Si Hirang ay nasawi habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala ng kalibre .38 na baril sa kanang sentido at kanang dibdib.

 Ayon sa Quezon City Police District Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente sa loob ng room 1016 Spring Hotel sa  Pinatubo St., Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City   dakong alas-10:20 ng umaga.

Sinabi sa ulat na mag-isang pumasok umano ang biktima sa naturang hotel noong nakalipas na Hulyo 2, 2014 dakong alas-7:44 ng umaga at umupa ng isang room hanggang Hulyo 4 ng umaga. 

Nabatid sa ulat na matapos magtapos ang  nabayarang oras ng biktima ay kinatok umano ng room boy  na si Joey Lorenzo ang kuwarto nito subalit walang sumasagot. 

Makalipas ang ilang segundong pagkatok nakarinig ang room boy ng putok ng baril sa loob ng kuwarto ng biktima dahilan para ipagbigay-alam nito sa kanyang mga nakatataas ang pangyayari.

Binuksan ang pintuan ng biktima gamit ang duplicate key nito at nakitang nakahandusay ang biktima sa kanyang kama na naliligo sa sariling dugo. 

Sa tabi nito ay nakita naman ang isang kalibre .38 na baril na ginamit nito sa pagbaril sa sarili. Agad isinugod ang biktima sa naturang ospital subalit hindi na naisalba ang buhay nito.

Sinisiyasat pa ng mga pulis ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima o kung may na­ganap na foul play sa  naturang krimen.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CUBAO

HULYO

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JOEY LORENZO

NOEL HIRANG

QUEZON CITY

SPRING HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with