^

Metro

3 miyembro ng Mocha Girls, sugatan sa aksidente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng all female sing and dance group na Mocha Girls ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng mada­ling-araw nang maganap ang aksidente sa panulukan ng EDSA at Annapolis St. sa lungsod.

Ayon kay Mae Dela Cerna, isa sa mga biktima,  ga­ling umano sila sa isang pag­tatanghal sa Timog Ave­nue, Quezon City at pauwi na sana nang mahagip ng pampasaherong bus na AC Trans at minamaneho ni Sonny Samson ang kanang bahagi ng kanilang sasakyan.

Nakaladkad umano ng bus ang kanilang sasakyan hanggang sa makarating sa gutter.

Sinasabing unang nahagip ng isang Toyota Innova (ZND-711), na minamaneho  ng isang Pancho Gonzales, ang bus sanhi upang mabangga naman nito ang behikulo ng Mocha girls.

Sinabi ni dela Cerna na lasing si Gonzales nang maganap ang aksidente dahil bago salpukin ang bus ay hinahabol ito ng mga pulis matapos na una nang ma-hit and run ang isang security guard sa Greenhills.

Arestado naman si Gonzales, na humingi ng paumanhin sa kanyang mga nabangga at inaming lasing na lasing siya nang maganap ang aksidente.

Bukod kay dela Cerna, sugatan din sa aksidente ang kanyang mga kasamahan na sina Jho Ann Sotelo at Sabrina Turner.

Ang tatlo ay pawang nagtamo lamang naman ng bahagyang sugat at galos sa katawan, bagamat isinugod  pa rin sila sa Cardinal Hospital upang malunasan.

Nabatid na kasama umano ng mga biktima ang kanilang manager at driver na si Lord Byron Cristobal nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

ANNAPOLIS ST.

CARDINAL HOSPITAL

CERNA

GONZALES

JHO ANN SOTELO

LORD BYRON CRISTOBAL

MAE DELA CERNA

MOCHA GIRLS

PANCHO GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with