^

Metro

Hired killer dedo sa shootout

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na pinaniniwalaang hired killer matapos na makipagbarilan ito sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Russel Datuon, 28,  ng Bagong Silang, Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Nabatid kay Senior Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas City Police, alas-3:30 ng madaling-araw ng maganap ang insidente habang  nagpapatrulya ang kanyang mga tauhan  sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. San Jose ng nasabing lungsod nang mamataan ang suspek sakay sa motorsiklong walang plaka.

Sinita ng mga pulis  ang suspek at sa halip na tumigil ay pinutukan nito ang mga alagad ng batas dahilan para gumanti ang mga pulis na naging sanhi sa pagkamatay ng suspect.

 Nasamsam sa suspek ang isang kalibre .45 baril at mga bala. Lumalabas sa rekord ng pulisya  na sangkot sa serye ng mga patayan  sa nasabing lugar ang suspek at ito rin umano ang hitman ng ‘Lando Group Drug Syndicate’ sa nasabing lungsod.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BRGY

CONRADO GONGON

DRUG SYNDICATE

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

PASCUAL AVENUE

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with