^

Metro

Binata dedo sa resbak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 31-anyos na binata nang pagtulungang saksakin ng mag-utol at iba pang kabarkada sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa sa Mary Johnston Hospital subalit hindi na nakaligtas sa kamatayan ang biktimang si Richard Bustillo, residente ng  Sto. Niño St., Herbosa, Tondo, Maynila dahil sa mga tinamong saksak at palo ng bote.

Hinahanting na ng pulisya ang mga pangunahing suspek na  sina Rommel Vargas at kapatid nitong Ralph ng  Sta Maria, Bulacan. Kabilang din sa pinaghahanap ang mga barkada ng mga itong sina alyas Jedpoy, Cristy at Pipper na tumakas matapos ang insidente.

Sa  ulat ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas- 12:05 ng hatinggabi kahapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Herbosa Extn., at San Jose Garcia St., Tondo.

Bibili lamang umano ng pagkain ang biktima at kapatid nitong si Thelma, 25, nang madatnan sa may tindahan ang grupo ng mga suspek.

Agad umanong sinugod at kinuyog ng mga suspect ang biktima at nang duguang bumagsak ay iniwan na ng mga suspect.

Sa impormasyong nakuha ni SPO1 Del Rosario kay Barangay Chairman Dominador Gaccam, kamakalawa umano ng gabi ay nakaalitan ng biktima ang nakababatang suspek na si Ralph at nabugbog umano ito ng una.

Hinihinalang nagsumbong ito sa kuya niya at mga kabarkada dahilan upang resbakan ang biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN DOMINADOR GACCAM

DEL ROSARIO

HERBOSA EXTN

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

RICHARD BUSTILLO

ROMMEL DEL ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with