^

Metro

2 trader dedo sa tandem

Ricky Tulipat, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang negosyante ang pinagbabaril at na­patay ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa Ma­labon at lungsod Quezon.

Sa Quezon City, binaril at napatay ang negosyanteng si Noel Leon, 38, ng Romualdez St., BF Homes Subdivision, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Blangko pa rin ang awto­ridad sa pagkakakilanlan ng salarin dahil wala man lamang nagnanais na tumestigo sa krimen.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Payapa St., corner Mangga St., Brgy. Culiat, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Nagawa pang maitakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center, pero makalipas ang dalawang oras na gamutan ay idineklara rin itong patay.

Samantala, patay din  ang isang negosyanteng ginang nang pagbabarilin ito  ng tandem kamakalawa. Na­matay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si  Jenny Del Rosario, 54, ng  Anonas Road, Brgy. Potrero ng naturang lungsod sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45  baril sa mukha at ulo.

Naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa tapat ng tindahan ng biktima sa naturang lugar habang nakatayo ang ginang at kausap ang kanyang manugang nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril.

Walang sabi-sabing pi­nagbabaril ang biktima na naging dahilan upang duguan itong bumulagta.

vuukle comment

ANONAS ROAD

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HOLY SPIRIT

HOMES SUBDIVISION

JENNY DEL ROSARIO

MANGGA ST.

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NOEL LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with