^

Metro

Driver nagulungan ng minamanehong trak, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang driver ma­tapos itong magulungan ng mismong minama­neho nitong truck na umusad habang nakaparada at nagbaba ng softdrinks ang una sa Caloocan City kahapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Martinez Memorial Hospital sanhi ng pinsala sa katawan ang biktimang si Primo Ruiz, 54, ng Roosevelt, Quezon City.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente alas-11:45 ng umaga sa harapan ng Ralcue Enterprises sa Dagat-Dagatan Avenue ng naturang lungsod makaraang iparada ng biktima ang dalang truck upang magbaba ng mga karga nitong softdrinks sa isang tindahan.

Dahil sa pababa ang pinaradahan ng truck ay biglang umusad ang sasakyan dahilan upang habulin  at sakyan ito ng biktima,  subalit dumulas ang mga paa nito  at nahulog hanggang sa  nagulungan ng minamanehong sasakyan.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN AVENUE

DAHIL

MARTINEZ MEMORIAL HOSPITAL

PATAY

PRIMO RUIZ

QUEZON CITY

RALCUE ENTERPRISES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with