^

Metro

Bading binoga sa batok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghalo  ang dugo at kulay pulang blusa ng bading na may-ari ng isang beauty parlor nang bumulagta ito matapos barilin sa batok habang bumibili ng masking tape, sa isang tindahan, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Allan Soriano, nasa 25-30 anyos, katamtaman ang pa­ngangatawan, tubong Davao City at nakatira sa kaniyang parlor na matatagpuan sa no. 1242 Lardizabal st,, Sampa­loc, Maynila.Nakasuot lamang ng maong shorts at blusang pula na pambabae.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkilanlan ng suspect na isang lalaking nasa edad din ng 25-30, katamtaman ang pangangatawan, nasa 5’5’’-5’7’’ ang taas, at armado ng di pa tukoy na kalibre ng baril.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala 1:30 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng no. 300 F. Jhocson St., malapit sa panulukan ng Lardizabal St., Sampaloc.

Sa imbestigasyon, lu­mabas lamang ng bahay ang biktima, sa kasuotang pambabae, upang bumili ng masking  tape sa kalapit na “Pamn Store” , nang habang nakatutok ang atensiyon sa tindahan ay hindi namalayan ang paglutang ng suspect  sa kaniyang likuran.

Malapitan at isang putok lamang ang pinakawalan ng armadong suspect, na tumama sa batok ng ba­ding, na ikinabulagta nito.
Wala nang buhay ang naka­tihayang bangkay ng biktima nang dumating ang mga awtoridad.

Ayon sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operation (SOCO) team sa pangu­nguna ni Senior Insp. Liz-Ann Sugcang, isang bala lamang ang tinamo ng biktima sa batok, dahilan upang kumalat sa kaniyang kinahihigaang kalye ang dugo.

Dinala sa Nathan Funeral Homes ang labi ng biktima.

vuukle comment

ALLAN SORIANO

DAVAO CITY

JHOCSON ST.

JUPITER TAJONERA

LARDIZABAL ST.

LIZ-ANN SUGCANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NATHAN FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with