^

Metro

Tricycle operator itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na  tricycle operator makaraang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspect, habang iginagarahe ang kanyang tricycle sa tabi ng kanyang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tinamong tama ng baril sa mukha at katawan ang biktimang si Joseph Pasagoy, tubong Pangasinan at naninirahan sa Blk. 15-A, Baseco Compound, Port Area.

Batay sa pahayag ng live-in partner ng biktima na si Brendalyn Ibanez, 53, nakita pa niya ang dalawang lalaki na mabilis na nagtatakbo nang labasin niya ang mister­ na nakahandusay na at duguan.

Sa ulat ni PO3 Lester Evangelista ng MPD-Homi­cide Section, dakong alas- 10:25 ng gabi nang maganap ang nasabing krimen sa main road ng Blk. 15-A sa Baseco Compound, sa gilid ng Pre­sident Corazon Aquino Health Center.

Nabatid na igina­garahe na umano ng biktima ang kanyang tricycle habang nakababa na ang live-in partner nito at pumasok ng ka­nilang bahay nang makarinig ang huli ng putok.

Nang muling lumabas si Brendalyn ay doon natuklasan ang naganap na krimen.

Patuloy pang inaalam ang motibo at pagkilanlan ng mga suspect.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BATAY

BRENDALYN

BRENDALYN IBANEZ

CORAZON AQUINO HEALTH CENTER

HOMI

JOSEPH PASAGOY

LESTER EVANGELISTA

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with