^

Metro

Salvage victim, pinakuan ang ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inabandona sa gilid ng kalye sa Mandaluyong City kahapon ng umaga ang isang di-kilalang lalaking hini­hinalang biktima ng salvage.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-anyos, naka-posas ang mga kamay, may dalawang pakong nakabaon sa ulo at nakabalot ng packaging tape ang leeg.

Sa ulat ni PO3 Ambrosio Gan, ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang mapansin ng mga residente ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalye sa Brgy. Malamig, Mandaluyong City.

Kaagad namang inireport ng mga residente sa pulisya ang krimen upang maimbestigahan.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima, na ang bangkay ay dinala sa Rizal Funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

AMBROSIO GAN

BRGY

INAALAM

INABANDONA

INILARAWAN

KAAGAD

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

RIZAL FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with