^

Metro

Fast food chain, hinoldap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  kilalang fast food chain ang hinoldap ng dalawang lalaki sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Nagpanggap munang kos­tumer ang mga suspek saka dinisarmahan ang guwardiya, bago nag-anunsiyo ng holdap sa Chowking branch na matatagpuan sa Grand Chow Building sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Kaagad namang dumulog sa tanggapan ni P/Chief Insp. Glenn Magsinom, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Pasig City Police, ang branch manager  na si Noli Caraan, 35, upang ireklamo ang krimen.

Lumilitaw sa reklamo na dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa nasabing kainan.

Nabatid na pumasok ang dalawang suspek at nagpanggap na kostumer, kung saan ang isa sa kanila ay lumapit sa cashier habang ang isa pa ay sa security guard na si Reneboy Valencia, 34, na mula sa Kerygma Security Agency.

Dinisarmahan umano ng mga ito ang guwardiya at saka nagdeklara ng holdap, gamit ang kalibre .45 baril.

Hinanap ng mga ito ang manager na nasa ika­lawang palapag ng fast food at sapilitang pinabuksan ang vault na naglalaman ng perang nagkakahalaga ng P80,000, saka ipi­na­­lagay sa bag nilang dala bago mabilis na tumakas, sakay ng isang pampasaherong jeepney patungo sa Pasig City Mega Market.

Inaalam na ngayon ng pulisya kung ang mga suspek ang siya ring nangholdap sa Greenwich fast food chain sa lungsod may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nabatid na pareho ang modus operandi ng mga suspek, bukod pa sa magkahawig ang mga ito.

vuukle comment

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION SECTION

GLENN MAGSINOM

GRAND CHOW BUILDING

KERYGMA SECURITY AGENCY

NABATID

NOLI CARAAN

PASIG CITY

PASIG CITY MEGA MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with